Sunday, November 30, 2008

alinlangan

hindi ko na matandaan kung kailan nagsimula. basta dumating na lang sa akin 'yung katotohanang nagkakagusto ako sa kapwa ko lalake. sa una marahil ay paghanga sa panlabas na kaanyuan. at bakit hindi? sa kabila ng realidad ay lalake pa rin ako, at likas ng paminsan-minsan ay madumi ang aking isipan.

walang sinumang nakakaalam nito sa aking mga kaibigan. 'nung college kami ay madalas nila kong biruing "makati pa sa higad" dahil kabi-kabila ang mga babaeng aking niligawan. gayunpaman, alam nila na tatlo lang ang sineryoso ko 'nung kami ay nag-aaral pa.

kahit ngayong tanggap ko na ang sarili ko na ganito, hindi pa rin nagbabago ang aking pananaw pagdating sa pakikipagrelasyon. siguro sa mundong ating ginagalawan, ako yung maaaring tawaging conservative at traditional. marunong pa rin akong manligaw, nagkataon lang na sa kapwa ko na lalake tumitibok ang aking puso.

subalit hindi ko itinatangging dumaan din ako sa stage na kung saan ay mas malakas ang tawag ng pangangailangan kaysa idinidikta ng aking isip. nandyan si erwin, si jayme, si jeff at ilan pang hindi ko na matandaan ang mga pangalan; mga taong nagbigay ng panandaliang kasiyahan pero hindi nagawang gisingin ang aking natutulog na damdamin.

naghahanap ba ko ng pagmamahal? marahil. hindi ko alam.


***

and i decided to stop the hunt. the predator has stopped looking for his prey. but to give up i won't do, for i know that someday, sometime, in a crossroad somewhere, our paths are destined to meet.

2 comments:

  1. sino bang hindi.. sa humanistic na explanation ni maslow, nangangailan ang tao na attain ang self-actualization.

    at ito ay sa paraan tanging ikaw lang ang maaring makaalam.

    ReplyDelete
  2. Yung friend ko sa US, nalaman nya lang na gay sya sa panonood ng gay porn.

    Ako sais anyos pa lang nagpapantasya na sa bestfriend ko na lalake sa kinder. LOL! =)

    Pero awa ng Dios, di naman ako nagdadamit babae at nagsasababae. Hehehe =)

    ReplyDelete