Wednesday, December 31, 2008

experiment

sinabi ko dati sa sarili ko, "i will try everything at least once".

iyan lang kasi ang alam kong paraan upang matutunan ang mga bagay tungkol sa ating naiiba pero makulay na mundo. isang pag-aaral ng sarili at mga bagay na kaya kong gawin; isang experiment sa pag-alam ng aking hangganan.

hindi ako member ng kahit anong grupo at lumalakad akong mag-isa pero hindi ito nangangahulugang isa akong loner. gaya ng karamihan sa atin, umiikot ako sa mundo ng mga straight - mga kaibigan at mga katrabaho. sigurado akong naiintindihan ninyo ang aking kalagayan lalo pa at pinili kong ilihim sa lahat ang tunay na ako.

pero mahirap palang alamin ang everything. dahil sa aking paglalakbay, marami palang paniniwala ang maaaring maisakripisyo sa ngalan ng pagtuklas. gayunpaman, ilang mga bagay na rin ang aking napatunayan at natutunan. simple kung tutuusin, hindi kakaiba sapagkat marami na rin sa atin ang nakakaalam. marahil nasa kanya-kanya na nating pananaw ang kaibahan.

gay scene. kapag nabanggit 'yan, malamang sa hindi ay malate ang unang papasok sa isip natin. sinubukan kong puntahan ang bed bar upang malaman kung ano ba ang maaaring makita dito. hindi naman ako virgin o prude at wala namang mawawala sa akin pero siguro nga ay taliwas ito sa aking nakasanayan at paniniwala, mga simpleng dahilan kung bakit hindi ko na ginawang balikan pa ang lugar na yon. (paalala: maraming matutuluyan sa paligid, iwasan ang arirang hotel.)

bathhouse. minsan na akong pumasok sa epitome. hindi ko alam kung ako ay matatawa sapagkat tiyak namang karamihan sa inabutan ko ay magkakakilala na at ang tingin nila sa akin ay fresh meat. dahil likas ding may pagka-suplado, wala silang napala sa akin. madali lang naman kasi akong kausap, 'wag lang dadakma agad. nanakit din ang palad ko sa kapapalo ng mga kamay na gumagapang sa dilim.

massage parlor. nasa private room na ko 'nung tinanong ko 'yung sarili ko kung bakit ba talaga ko nandun sa lugar na yun. ang ending, ang boxer shorts ay hindi bumaba sa kinalalagyan. kawawa naman 'yung masahista, nagsimula siya na naka-sando at shorts at natapos ng hubo't hubad pero wala pa ring epekto.

ilan lamang ang mga ito sa mga bagay na aking sinubukan. sa ngayon, mga gay networking sites naman ang tema ng aking eksperimento. ilang profiles na rin ang aking pinagpiyestahan; nakakatuwa kasi yung iba't ibang pamamaraan ng mga members sa pagpapakilala ng sarili nila.

at dahil patapos na rin ang taon, napapanahon ng muling tanawin ang repleksyon ng ating pagkatao at balikan ang mga aral na hatid ng karanasan na nakalipas. nawa'y maging gabay ang mga aral na ito sa ating pagharap sa hamon ng darating na panahon.

pwede na ba 'kong bumati ng happy new year?


***

would it make any difference if i did not italicize the english words?

6 comments:

  1. Happy New Year Dude. Gaya mo, I would try anything once. Pero dahil ako ay isang pasaway, kadalasan nahihirapan akong kumalas. Lalo na kapag nasa akin ang bola at hindi ako nakadepende sa iba.

    Para sa isang mapaya at makabuluhang 2009.

    ReplyDelete
  2. uhmm oo naman.. it did made a difference


    yun nga lang dahil minsan mahilig ako (at maraming blogger) mag-profile ng mga personality.. masasabi ko OC ka hehehe... joke lang. i mean matiaga kang mag-edit.

    --- --


    cheers! and happy new year stan!

    ReplyDelete
  3. happy new year, stan...

    thank you so much for the prayers....

    ReplyDelete
  4. bilang pag-eeksperimento ang hilig mo,share ko lang ang paborito kong linya sa "eternal sunshine of the spotless mind." na inspirasyon ko sa hindi pagdadalawang isip na sumubok ng mga bagay. LOL.

    Clementine: Hi!
    Joel: I'm sorry?
    Clementine: Why?
    Joel: Why what?
    Clementine: Why are you sorry? I just said "hi."
    Joel: No, I didn't know if you were talking to me, so...
    Clementine: [looking around the empty car] Really?
    Joel: [embarrassed] Well, I didn't want to assume.
    Clementine: Aw, c'mon, live dangerously. Take the leap and assume someone is talking to you in an otherwise empty car.
    Joel: Anyway. Sorry. Hi.

    ReplyDelete
  5. Beterano na ako sa mga gay networking sites. Kakaimbento pa lang ata ng internet, myembro na ako ng sari-saring gay sites. LOL!

    Pero ngayon nagsawa na ako kumbaga. Kaya tumigil na ako dito. Kahit Friendster and Multiply account ko bihira ko na bisitahin. Malimit na lang ako sa pagba-blog =)

    ReplyDelete
  6. buti ka pa nga natry mo na ito, ako hindi pa rin pa talaga eh... matinding tunggalian sa sarili ito.

    ReplyDelete