Tuesday, December 2, 2008

pagtatago

consistent honor student
quiz bowl national champion
university student government president
cum laude
top 16, board examination
junior manager

hindi ko ninanais na ipagyabang subalit ano ang kahalagahan ng mga bagay na ito sa buhay ko ngayon? sapat na ba ang mga achievement na ito para sabihing kumpleto na ang aking pagkatao?

marahil ang mga bagay ring ito ang siyang dahilan kung bakit ako patuloy na nagtatago sa dilim. sa lipunang aking ginagalawan, higit pa ring mas matimbang ang pagtingin sa mga kalalakihan. sadyang hindi ko pa kayang bitiwan ang mga perks na dulot ng pagiging straight.

mataas ang pagtingin ko sa mga tulad nating iniladlad ang sarili sapagkat sa araw-araw ay nakikibaka sila para sa pagtanggap ng ibang tao. di hamak na higit ang bagay na ito kaysa sa mga bagay na naabot ko na para sa sarili ko. dahil sa katunayan, wala ng mas mataas na pagkilala kundi ang maipakita ang tunay na pagkatao sa harapan ng iba.

alam kong darating din ang araw na kailangan ko itong ipaalam sa aking mga kakilala. sa ngayon, pipilitin ko munang sagutin ang mga tanong na tulad ng "kailan ka ba mag-aasawa?". sa puntong ito, marahil ako ay magsisinungaling.

pero sa totoo lang, sino ba ang hindi?


***

your acceptance is not important to me, but right now, my priorities are.

7 comments:

  1. Take your time. Wag ka ma-pressure sa mga tanong na "kelan ka mag-aasawa" or "bakit ala ka pang girlfriend" etc. Immune na ako dito.

    May mga posts ako hingil dito.

    Salamat sa paglink.

    Impressive ang resume mo, ha? =)

    ReplyDelete
  2. Basta dude everything takes time. Inabot ako ng walong taon bago ako naging kumportable sa sexuality ko. When you have surrounded yourself with successful non-straights, dadating ang panahon na hindi ka na ganon katakot.

    ReplyDelete
  3. naku mahirap ang magpasakal, i mean magpakasal

    ReplyDelete
  4. hay naku! pareho tayo!

    ReplyDelete
  5. darating din yung time na magiging handa ka na. paunti-unti hanggang sa maging ganap. enjoy life! :)

    ReplyDelete
  6. @mr. scheez: i guess its a good thing that i'm living alone and away from home so questions like that comes only on certain occassions.

    @mugen: i know what you mean, dude. its just that in my line of work right now, coming out is suicide (exaggerating here!). hmmm, why don't i shift careers? =)

    @joshmarie: you bet...

    @turismoboi: so we have something in common pala. i think we're going to be close blog buddies (may ganun ba?).

    @aris: thanks for the advise pare.

    ReplyDelete
  7. madalas din itanong sa akin yan kung kelan daw ako mag aasawa... lagi ko lang sinasagot:

    "pag bumaba na ang presyo ng gas!"

    yari na tuloy ako nagroll-back na gas ngayon. kaya ang bago kong alibi:

    "pag tapos na US recession!" hahaha

    ReplyDelete