Sunday, November 30, 2008

alinlangan

hindi ko na matandaan kung kailan nagsimula. basta dumating na lang sa akin 'yung katotohanang nagkakagusto ako sa kapwa ko lalake. sa una marahil ay paghanga sa panlabas na kaanyuan. at bakit hindi? sa kabila ng realidad ay lalake pa rin ako, at likas ng paminsan-minsan ay madumi ang aking isipan.

walang sinumang nakakaalam nito sa aking mga kaibigan. 'nung college kami ay madalas nila kong biruing "makati pa sa higad" dahil kabi-kabila ang mga babaeng aking niligawan. gayunpaman, alam nila na tatlo lang ang sineryoso ko 'nung kami ay nag-aaral pa.

kahit ngayong tanggap ko na ang sarili ko na ganito, hindi pa rin nagbabago ang aking pananaw pagdating sa pakikipagrelasyon. siguro sa mundong ating ginagalawan, ako yung maaaring tawaging conservative at traditional. marunong pa rin akong manligaw, nagkataon lang na sa kapwa ko na lalake tumitibok ang aking puso.

subalit hindi ko itinatangging dumaan din ako sa stage na kung saan ay mas malakas ang tawag ng pangangailangan kaysa idinidikta ng aking isip. nandyan si erwin, si jayme, si jeff at ilan pang hindi ko na matandaan ang mga pangalan; mga taong nagbigay ng panandaliang kasiyahan pero hindi nagawang gisingin ang aking natutulog na damdamin.

naghahanap ba ko ng pagmamahal? marahil. hindi ko alam.


***

and i decided to stop the hunt. the predator has stopped looking for his prey. but to give up i won't do, for i know that someday, sometime, in a crossroad somewhere, our paths are destined to meet.

Saturday, November 29, 2008

ako si stan

kailangan bang bigyan ng paliwanag kung bakit ang isang lalake ay nagkakagusto sa kanyang kapwa lalake? kailangan ba siyang bigyan ng ibang katawagan?

kapag ipinanganak ang isang tao, dalawa lamang ang kanyang maaaring maging kasarian. sa oras na lumabas siya sa sinapupunan, sasabihin ng doktor na "its a boy/girl". paano niya ito nasabi? dahil nakita niya mismo ang katibayan gamit ang kanyang mga mata.

wala pa kong nababalitaang doktor na nagsabing, "congratulations! its gay". dahil ang bagay na ito ay nasa isip lamang. science lang ang pwedeng magpabago ng kasarian ng isang tao.

ngayon, kung sasabihin kong nagkakagusto ako sa kapwa ko lalake, anong tawag mo sa akin?

lalake. dahil yun ang sabi ng doktor. dahil yun ang nakasulat sa aking birth certificate. dahil yun ang alam kong dapat itawag sa sarili ko.

ako si stan. 'yan ang pangalang bumuo ng aking pagkatao.