Thursday, March 26, 2009

kuya's letter to little sister

bunso,

galing mo 'neng!

pero dahil nangako si kuya na mag-aayuno sa pag-inom ng alak, pineapple juice na lang ang toast ko sa 'yo.

kung alam mo lang, sobrang tuwa ang naramdaman ko nang itinawag sa akin ni tita ang balita 'nung isang linggo. kaya nga dali-dali akong nagpaalam sa boss ko para makauwi sa atin at maging saksi sa araw ng pagkilala sa iyong tagumpay.

alam kong mahirap ang iyong pinagdaanan sa iyong pag-aaral. bukod sa matataas na grades ay pimples ang naging katumbas ng gabi-gabi mong pagpupuyat. bukod pa diyan, effort din ang pagma-manage ng buhok mong daig pa ang magnet wire. hayaan mo, gawan natin 'yan ng paraan.

naging challenge sa iyo ang karangalang nakamit ko anim na taon na ang nakalipas. hindi mo man sabihin pero nakikita kong nais mong sundan ang aking yapak. nagsikap ka at nagpunyagi kaya naman nakamit mo ang iyong ninanais.

kaninang umaga, habang hinihintay nating magsimula ang recognition program, ilang mga professors mo ang lumapit sa akin at nagulat pa ng malaman na magkapatid tayo. syempre pa ay tumaas lalo ang morale ko 'nung sinabi nila na sa akin ka siguro nagmana (pagbigyan mo na, sulat ko naman 'to).

pero higit pa palang kasiyahan ang aking mararamdaman ng tawagin na ang iyong pangalan: r****** m*****, bachelor of science in nursing, cum laude.

sigurado akong kung meron pang mas masaya sa akin e sila nanay at tatay lang yun.

ngayon, ang yugtong ito ng iyong buhay ay nagwakas na. nagtagumpay ka na bilang isang estudyante at sa darating na mga araw ay haharapin mo na ang tunay na mundo.

board examination na ang susunod na hurdle para sa 'yo. 'wag ka munang mag-isip ng kahit ano dahil nangako naman si kuya na pwede kang magreview sa kahit saang review center na gusto mo. regalo ko na yan sa iyo kasi birthday mo rin naman.

pansamantala. enjoy ka lang dahil moment mo 'to. bask in the glory of your success. soar high but always keep your feet on the ground. and remember to look back to where you came from.

marami pa sana kong gustong sabihin pero iniisip ko pa kung paano magkakasya sa bahay ang sanlaksang bisita mo bukas. magpa-party ka ba naman e dinaig mo pa ko. pasalamat ka at nanalo sa mahjong si tatay kaya napapayag natin.

at yung bilin namin, ingat sa pagpili ng boyfriend. alam naming matalino ka pero hindi maiiwasang mag-alala kami sa aming bunso. kung gusto mo, kakaliskisan muna ni kuya 'yung mga nanliligaw sa 'yo.

in fairness, gwapo 'yung jayjay ha!


kuya


***

today is my sister's recogntion and graduation day. i can't help it. kuya is just so proud.

6 comments:

  1. wow..cum laude...congrats kay sis mo....

    ReplyDelete
  2. sana manalo din ako sa mahjong para may pang party din me ng bonggang bongga!!hehe
    congrats!!!

    ReplyDelete
  3. wow! congrats kay sis mo. she is also proud of you!

    ReplyDelete
  4. Congrats sa iyong utol. Mana pala sa kuya.

    Buti ka pa.

    ReplyDelete
  5. huwaw, like brother, like sister ba ito. ang ganda ng genes, superior IQ> hehehe..

    gusto ko yung term na ginamit mo kaliskisan... panalo!

    congrats ulit sa sis mo!

    ReplyDelete
  6. wahaha... eh kung ikaw nalang kaya ligawan ni jayjay ha? hahaha..

    sorry dude. just wanna have fun. hehe. my first reading here. cant help but comment. um, and be a friend? (^___^)

    ReplyDelete