Monday, May 4, 2009

career path to where?

a few days from now, i will be celebrating my third year at work... my present work that is.

ikatlong trabaho ko na ngayon. tama ka, ganun ako kakulit. parang sinisilihan ang puw*t ko kaya hindi ako mapirmi. kaya nga medyo naninibago ako dahil nakatagal ako ng halos tatlong taon.

it was on the 5th of may in 2004 when i had my first job. licensed engineer po ako kahit 'di kayo maniwala. una akong nagtrabaho sa isang consumer goods company. mahirap siyang hulaan. produkto niya 'yung sabong panlaba na ang kahon ay nanghahabol ng maruming damit. pero asenso na sila ngayon. si juday na ang model nila. sabi pa niya, "knock-out ang dumi't mantsa!".

hindi rin ako tumagal kaya makalipas ang walong buwan ay lumipat ako sa isang japanese semiconductor company. sa totoo lang marami silang produkto kabilang na ang relo, pc softwares/hardwares at lcd ng mobile phones pero pinakakilala sa lahat ay ang kanilang printers. dito ko nakilala ang ilang malalapit na kaibigan na hanggang ngayon ay patuloy ko pa ring nakakasama kapag may pagkakataon.

there were five of us then who belong to the same department. pare-pareho kaming sira-ulo. lagi naming niloloko yung supervisor naming may halitosis. awa ng diyos, sunod-sunod kaming nagresign, pati na rin si supervisor.

at heto na nga ako sa aking ikatlong trabaho. ayos naman dito, maalikabok kung tag-araw, maputik kung tag-ulan. higit sa lahat, nasa bundok pa kaya enjoy na rin paminsan-minsan, ehem, nature tripping ba a're?

average ko one job per year. i already beat my record. hanggang kelan kaya ako tatagal?


***

by the 15th of this month, i will be celebrating my third year at work. i never expected to endure it but experience tells me that patience is really one of my virtues. a lot of people have been asking me if there are any plans to go abroad but i have always been telling them that here is where i want to build my home and as long as my work here can support me, i will stay.

3 comments:

  1. engr, i have to think na happy ka sa present work mo or else di ka tatagal ng 3 years...

    ReplyDelete
  2. sana ako din !

    ReplyDelete
  3. ayoko ng ganitong mga post, troubled ako sa aking career life eh...

    hehehe. pero kung may isang bagay ako natutunan sa work, may fairytale din pagdating sa paghahanap ng iyong dream job.

    ReplyDelete