Thursday, October 1, 2009

baklang post

pagod na ko.

i've been doing 16-hour duty everyday since sunday, all for trying to rehabilitate a flooded system. kasama na dito 'yung pagpapala ng putik sa loob ng mga control rooms.

lahat ito kelangang gawin para sa trabaho, otherwise, baka sa isang buwan e umuwi na lang ako sa amin at magsaka. paano ko na lang susuportahan ang mga boylets ko niyan? (choz!)

anyway, as of today, one week na 'kong hindi lumalabas ng planta. nakalimutan ko na kung ano ang hitsura ng maynila. nakalimutan ko na rin ang hitsura ng mga boys diyan kasi naman araw-araw e puro sweaty "ers" ang kasama ko dito. keri na din. kahit paano e meron namang nakakatawag ng aking pansin. pandesal kung pandesal ang labanan, mga sis.

pero naloka ever ako 'nung isang gabi. nagkukutingting ng panel ang beauty ko ng biglang tumunog ang nyelpown. syempre, mega-excited kasi naman wala akong masyadong balita sa outside world.

kaya lang, kagulat-gulat ang message. hindi ko inaasahan. ano naman ang akala niya sa akin?

ako na may busilak at malinis na kalooban...

ako na hindi alam ang kahulugan ng salitang malisya...

ako na certified virgin...

at pagkatapos 'kong mahimasmasan, sinagot ng aking utak ang sarili kong tanong.

"carinderia. isa kang carinderiang bukas sa lahat ng gustong pumasok... anytime."


***

i told you, the storm had a different effect on me. damn you, ondoy.

4 comments:

  1. Hindi kita kilala!

    LOLOLOLOLOLOL!!!

    ReplyDelete
  2. Well, john_stanly, at least you were doing your job. And enjoying its...ahhh...perks.

    ReplyDelete
  3. utang na loob john stan.... d kita kinaya dito hahahahaha....

    bad bad Ondoy....

    ReplyDelete