Saturday, November 21, 2009

gago rin si john stan

pasintabi sa mga bata, medyo mahalay ang entry na 'to. medyo lang naman.

matagal-tagal na rin pala ang huling post ko. pasensya na at nasa kalagitnaan lang ako ng isang eksperimento. at alam nyo naman, kapag nag-experiment ka, dapat, buong atensyon mo nakatutok dun.

ilang buwan na ang nakakaraan, inumpisahan ko ang project wellness ni john stan. simple lang naman ang goal ko: to lose weight and build muscle. kaso mahirap pala kapag sineryoso mo; bawas sa kain, bawas sa alak, bawas sa gimmicks at dagdag-oras sa gym.

and it seems the hard work is paying off. i am now five pounds short of my initial goal for the first six months. e limang buwan pa lang naman. o di ba, bongga? (sorry, sinaniban lang!)

pero hindi naman tungkol sa aking exercise regimen ang entry na ito.

find-a-trophy-boyfriend experiment. 'yan ang tawag ko sa ilang series ng trials (and errors) na ginawa ko ng isang linggo. teka, gusto ko lang linawin. hindi ko naman sila talaga balak syota-in. kaya nga "find" lang. pero ano ba ang trophy boyfriend? in the wise words of one blogger that i look up to, pang-display. 'yun lang.

lunes ng gabi ng makilala ko si cainta hunk; maputi, matangkad at higit sa lahat, bottom. ayos na sana, 'wag lang magsasalita. mahahalata mo kasi na hindi siya straight sa boses pa lang. gayunpaman, pasado na rin. performer kasi. kaso binigyan pa ko ng alalahanin ni cainta hunk. kinabukasan, nag-text siya sa akin, sabi, "miss na kita".

martes naman kami nagkita ni las piñas cutie. in fairness, cute naman talaga. kaso nagsinungaling ang bata. disinueve pa lang pala sa tunay na buhay. bigla tuloy ako napa-tweet ng "willing to swap". walang kumagat kaya ako din ang sumalo. nakakahiya naman, nanggaling pa ng las piñas.

wednesday ako napadpad ng santolan sa pasig. ilang araw na rin kaming magkausap ni ofw daddy from dubai. bakasyon daw siya ng isang buwan sa trabaho at wala raw masyadong magawa kaya naghahanap ng happenings. kaso mo, mahirap hanapan ng oras kasi available lang si daddy kapag tulog na ang misis niya. at dahil pamilyadong tao, maraming restrictions. kaya lahat ng dapat maganap ay naganap lang sa garahe nila. bawal pa tuloy mag-ingay.

dapat magpapahinga lang ako ng thursday kaso pagkatapos kong mag-gym e naisipan kong dumaan sa metrowalk para kumain. nasa starbucks ako nun at kasalukuyang nakikipagkulitan sa isang blogger nang um-enter si 6'2" hottie. towering ang loko kaya hindi pwedeng hindi mapansin. pero dahil nag-iisa lang siya, hindi mahirap diskartehan. kaya sorry ternie kung iniwan kita that time.

kahapon, byernes, nagkita ulet kami ni cubao boytoy. nakipag-break na pala siya sa girlfriend niya at kasalukuyang sumusubok na mag-explore. hala, sana hindi ko kasalanan 'yun.

so far, among the five of them, kay cubao boytoy pa din ang vote ko. but for the mean time, the experiment will be taking a break indefinitely. masyado akong napagod kaya kelangan munang magpahinga.

8 comments:

  1. good luck sa experiment mo. nawa'y mahanap mo ang trophy boyfriend mo. =D

    ReplyDelete
  2. Ganito pala ang pakiramdam ng malinis. Haha

    ReplyDelete
  3. my vote goes to ofw daddie! haha..

    ReplyDelete
  4. yes. quite the horneh biyotch you were that night.

    buset.

    WAHAHAHAHAHAHA

    ReplyDelete
  5. lam mo, everytime nababasa kita dito at sa twit twit, nag iiba ang paningin ko sayo. pssst date nga tayo minsan. i wanna learn from you. hahahaha

    ReplyDelete
  6. @engel: 'wag muna. there are still a lot of fish in the sea, hehehe!

    @tristan: che! hahaha!

    @ash: in furness, daddie is quite memorable. he's my first virgin. oops, tmi!

    @ternie: kaw kasi. had you extended the invitation, i would have been at your doorstep in an instant. hahaha!

    @mksurf8: go! habang nasa 'pinas ka pa. ;)

    ReplyDelete
  7. buset, excited kasi. *fishes dapat yun.

    ReplyDelete
  8. exciting yan ah hehe

    ReplyDelete