Saturday, December 12, 2009

"lutang" moment

ala-una ng hapon, patay na oras, tirik ang araw at sa loob ng isang air-conditioned na kwarto.

nagmi-meeting kami tungkol sa mga activities sa planta ng biglang magsarili na naman ng lakad ang utak ko. halatang hindi na naman ako nakikinig sa boring na usapan kaya pinili kong yumuko at kunwari ay nagbabasa ng mga notes sa aking planner.

subalit nasobrahan yata ang paglalakbay ng aking utak kaya tuluyan na akong nawala sa sarili at napakanta.

don't cha wish your girlfriend was hot like me
don't cha wish your girlfriend was a freak like me
i say, don't cha.

nagulat na lang ako ng biglang tumahimik ang paligid.

hindi ko na nagawang mag-angat pa ng mukha.

11 comments:

  1. Hahaha. Classic office meeting comedy. :)

    ReplyDelete
  2. Siguro kung "Nobody" ang kinanta mo, pumalakpak pa sila hehe.

    ReplyDelete
  3. hindi ko naiwasang hindi mapangiti rito sa loob ng opisina namin habang binabasa ito

    ReplyDelete
  4. @john stanley, salamat po sa pagdaan.isa ito sa mga halimaw ng nakaraan na pilit kong tinatakasan. hindi ko akalain na makukuha ko pa itong isulat.matagal mo na ako ng tagasubaybay, nuon pa mang panahon na yung isang blog ko pa ang ginagamit ko..salamat sa pagdaan.i mean it

    ReplyDelete
  5. wahahahahahaha

    wala kang kupas!!!

    ReplyDelete
  6. hahaha - kung kasama mo ako dun sa meeting mo, I would've given you a standing ovation!

    ReplyDelete
  7. haha walang kawala

    kakatawang experience yan john

    ReplyDelete
  8. wait for it, guys, as i'm gearing up for my next performance. now which song to sing?

    ReplyDelete