Wednesday, January 6, 2010

ambabaw lang talaga

nagpaparamdam ka na naman. palibhasa, alam mong paborito ko ang mikasan choco pinipig at choco flakes from baguio kaya sinabi mong inuwian mo ko ng isang dosena. paano ko naman uubusin 'yang dami na yan e nagda-diet nga ako? tapos tukso pa 'yang dala mo.

sinabi ko nang tama na, 'di ba? persistent ka pa rin. pagkatapos mong mawala ng matagal na panahon, eto at bumabalik ka at kumakatok sa pusong sarado na sa 'yo. alam ko, chance lang 'yung nangyaring pagkikita natin sa boracay. ayaw kong bigyan ng ibang kahulugan 'yun. nagkataon lang na nagkatagpo tayo sa iisang lugar sa iisang panahon.

malinaw na sa atin ang lahat. wala ng dahilan para ibalik pa ang nakaraan.

pero dahil paborito ko nga ang mikasan choco pinipig at choco flakes, sige, payag na akong magkita tayo bukas. kailangan kumpleto 'yan. walang bawas. otherwise, magta-tantrums ako.

alam mo namang ganoon ako kababaw minsan. pero alam ko rin, isa yun sa nagustuhan mo.

i know i can get away with it.

see you.

9 comments:

  1. alembong ka.

    katapat mo lang pala choco flakes!

    lolz

    ReplyDelete
  2. hahaha. ang landi nga. yihiiiii!!!! abangan ang susunod na kabanata :P

    ReplyDelete
  3. bibigay din pala dahil sa choco flakes lol

    ReplyDelete
  4. natawa naman po ako,,, sweet nman Diet kapo diba? penge LOL

    ReplyDelete