Tuesday, January 5, 2010

kwentong dugtong-dugtong

commuter na ulet ako starting today. renz was needed elsewhere so i have to give up my claim over the poor thing. hayaan mo na. after two weeks of use, i realized that it would even be very much cheaper to take a cab everyday than overspend with gasoline expenses. parang kumakain ng gasolina ang hinayupak. akalain mo ba namang seven kilometers per liter lang ang consumption at highway speeds!

pero ang arte ko naman kung magta-taxi ako araw-araw. prior to zoom-zoom, ordinary commuter lang din naman ako. i ride the tricycle, the local jeepney and the bus. kaya hindi pa rin ako mawawala sa maynila.

funny thing, kaninang paakyat ako ng antipolo, i found out na na-miss ko pala ang ganitong bagay. nakaka-miss makipag-unahan sa jeep at sa fx. nakaka-miss na makipagtawaran sa tricycle driver pagdating sa pamasahe. gulangan daw ba kasi ko e mas magulang pa ko sa nanay at tatay ko. hayun, nabigla tuloy siya sa layo ng byahe namin papasok sa planta.

'yun nga lang late ako sa work dahil tinanghali ako ng gising. nakalimutan kong sa ortigas pa nga pala ko manggagaling at alas-otso ang pasok ko sa trabaho. buti na lang at nasa good side ako ngayon ng mga bossing because of the successful implementation of our project last christmas. at ang award for a job well done, another project this coming april. ugh. mukhang for the "nth" time e sa work na naman ako magse-celebrate ng birthday.

tama lang pala at naka-schedule na ang cebu-bohol vaycay before the new project. at least bago man lang sumabak ulet sa trabaho e nakapag-unwind muna ko. pero hassle din ang preparation sa lakad na 'to. holy week pa yan ha at january pa lang ngayon pero fully-booked na ang flights. kaya for this trip, john stan will be flying business class.

ano bang meron sa business class ng pal? it would be my first time with them and i don't know what to expect. i've flown with lufthansa and northwest before and their services were both outstanding. gwapo pa ng mga flight attendants and the on-board meals were really nice. corny, ikumpara daw ba e mahigit isang oras na byahe lang naman ang manila-bohol.

pero medyo matagal pa naman ang summer. meron pa kong ilang buwan para paghandaan ang pagbibilad ng katawan sa beach. lalo pa ngayon na katatapos lang ng holidays kaya lalo pang dumami ang kailangang ubusing oras sa gym at exercise para maabot ang aking goal na magsuot ng super skimpy swimming trunks sa panglao. yes, you read it right. hindi jersey o board shorts kundi super skimpy swimming trunks, hahaha! bakit ba? walang basagan ng trip.

and speaking of trip, napansin kong nabawasan ang gimmicks ko lately, para sa isang katulad kong bi-curious tripper in the closet, this is a welcome development. it could mean three things: busy sa ibang bagay, tinatamad o walang gana (which is not good), o may seryosong kinakarir.

si john stan, seryoso?

sasagutin ko na rin ang sarili kong tanong.

"wehh!"

10 comments:

  1. Wehh nga! Haha. At saka 'pre pasilip ng skimpy trunks mo ah. Haha. Curious tripper na din kasi ako ngayon. LOL.

    ReplyDelete
  2. bi ka? bading ka?! di na tayo friendships! akala ko straight ka! pards, sana sinabi mo na bi ka! niloko mo ko, kala ko ba straight tayo na nagkagusto lang sa mga boylets? hmpf!

    ReplyDelete
  3. business class ng pal.

    puros cheese sa pagkain!!!

    seriously. although the seats are more comfortable! and medyo sosyal yung whatever kit nila. loved the lotion.

    business class is the way to fly talaga.

    hay!

    ReplyDelete
  4. nakakamiss nga mag-commute.

    pero natawa ako sa trip mo lol

    ReplyDelete
  5. not sure about local flights though, if that's what you meant. =D

    ReplyDelete
  6. this is an advance WELCOME TO BOHOL greetings!

    ReplyDelete
  7. @tristan: sure, hahaha. i did try it in bora last month pero hindi super skimpy. hiya ko lang, hehehe!

    @anteros: hahaha, nararamdaman kong malisyoso ang kindat na yan. ;)

    @mike: ikaw straight? *faints*

    @engel: yup, i was referring to the local flights pero even sa international flights, i haven't tried pal pa.

    @lee: hahaha, trip lang naman!

    @edik: salamat po!

    ReplyDelete
  8. you wouldn't even feel the diff from PAL's business class flight to that of CEB's especially that it's just a 45-min flight from MLA-BHL.

    Psst, post ka ng pics in your super skimpy trunks after the vaycay ha. hahaha

    ReplyDelete
  9. trunks ba kamo?

    baka two-piece.

    wahahahaha

    ReplyDelete