Wednesday, March 31, 2010

month-end | kung kiligin ay tatlong patak

minsan ay iniisip ko kung paano ba talaga ang ma-in love. nakakahiya mang aminin na dumating ako sa edad kong ito ngunit hindi ko pa rin kayang sagutin ng tama ang tanong na 'yan. madali namang sabihin na iba't iba ang konsepto ng salitang love sa bawat isa pero nakasisiguro akong may isang bagay pa rin na common sa lahat ng taong makulay ang buhay pag-ibig. and i guess, this common thing is the one formula that remained elusive to me all these years.


***


sa isa sa aking mga huling entry, isang reader ang may lakas ng loob na nagtanong, " masarap ba ang may boyfriend?".

kung tutuusin, madali naman sana siyang sagutin ng yes or no at 'wag ng mag-elaborate pa. kaya lang, siguro nga ay panahon na ring mag-reflect naman ako sa sarili ko para malaman na kung saang direksyon ko ba talaga gustong pumunta. hindi naman siguro kaila sa inyo na lately ay magulo ang samahan namin ni jason. to escape is easy, i know. but for what? i realized that escaping is what i have been doing all this time. look where it brought me.

"pero masarap nga ba ang may boyfriend?"

i must admit, sa lahat ng ayaw ko e yung mino-monitor ang bawat galaw ko. nakakainis kapag lagi kang tinatanong kung nasaan ka, kung anong ginagawa mo, kung sinong kasama mo, kung kumain ka na. minsan, daig pa ang pulis sa dami ng tanong.

sa isang banda, nakakainis din naman lalo kapag lumipas ang isang araw e hindi man lang magparamdam sa 'yo. iniisip mo na lang tuloy kung ano na kaya ang nangyari sa mokong pero dahil sa sobrang taas ng fried chicken mo e ayaw mo pa ring hanapin.

"so masarap nga ba ang may boyfriend?"

john stan is a free and independent spirit. sanay akong pumupunta sa kung saan ko gustuhin. sanay akong gawin ang mga bagay na hindi ko na kailangan pang magpaalam sa iba. pero dahil may boyfriend ka na, kailangang ipaalam mo sa kanya 'yung mga ganitong bagay. in fact, 'yan ang reason kung bakit 'di na ko nakapunta sa bed lately. linis-linisan ang drama ni jason kaya pati ako linis-linisan din.

on the other hand, dahil may partner ka, you keep yourself in check. iniisip mo rin naman kasi na baka makasakit ka ng damdamin ng tao. you learn to be responsible with your actions because you're no longer the only one at stake. isa pa, nakakatipid ka rin kahit paano dahil 'pag tinotoyo si partner, nanlilibre.

"e di masarap nga ang may boyfriend?"

admittedly, nabawasan ang sex life ni john stan. tama, partida pa yan, ha! nabawasan talaga. since committing to jason, i became mayumi, dalisay and busilak again. true, i faltered once and you all know about it. but i have always been honest in all my relatioships kaya sinabi ko pa rin 'yun sa kanya.

"so hindi masarap?"

marami pang pros and cons ang nag-away-away sa utak ko. 'yung ibang bagay, masyado ng trivial para pagtuunan pa ng pansin. sa mata ng marami, going into a relationship entails a lot of efforts and sacrifices. pero kung masaya ka naman, siguro hindi effort at sacrifice ang dapat na itawag doon. hindi ko rin gustong gamitin ang word na compromise dahil ang relationship ay hindi naman isang negosasyon. mas importante pa rin na nagbabago tayo hindi dahil gusto nang partners natin kundi dahil tayo mismo ang may kagustuhan.

at the end of the day, we ask ourselves, "masaya ba ako?"

the answer to that is the only thing that matters.


***


my partner and i had a long serious talk a few nights ago. in spite of what happened, we both decided to give this partnership another shot. siguro nga talagang ganoon, hindi lahat ng laban ay dapat isinusuko ng ganoon lang kadali. nakakatawa, masyado kaming seryoso 'nung nag-usap. he was assertive and i was forgiving. kung tutuusin, sabi ko nga, kayang-kaya ko ang basta-bastang tumalikod pero hindi ko ginawa.

siguro nga in-love na ko sa loko!



7 comments:

  1. kilig to the bones naman ako....


    ingit tuloy....

    :D

    ReplyDelete
  2. sometimes love goes wrong... so wrong it becomes so right. Good luck! Stay happy

    ReplyDelete
  3. hmmm..ur a good salesman, u got it sold..hahanap nako ng BF ahaha.. pero teka, bat nabawasan ang sexlife?? waaa.. :)

    ReplyDelete
  4. nice, nice. :)

    i remember this one episode in SATC (SATC talaga?!) where miranda and steve were looking at a house in brooklyn. miranda didn't want to move to brooklyn. her mind changed when steve stopped her in the middle of the discussion and said,"miranda, this isn't just about you anymore. we're a family now." or something like that. hehe!

    what i'm trying to say is siguro nga may adjustment na kasama kapag pumapasok sa relasyon. nagbabago ang lahat (or most of it). ang maganda naman ay you guys have all the time in the world na mag-adjust sa isa't isa.

    happy for you! :)

    ReplyDelete
  5. kaka-discover ko pa lang ng blog mo today. at di ko mapigilang basahin bawat entry. 2 hrs na yata. hehe.

    nakarelate ako dito sobra. like you, independent and free-spirited ako. ayaw ko talaga nung nagpapaalam, tinatanong kung saan ako o kung saan ako pupunta, or kung kumain na ko (bakit, magpapadeliver ba siya ng food kung hindi pa?! hehe). pero nung pumasok ako sa relationship nagbago lahat. nagustuhan ko yung mga bagay na hindi inaasahang magugustuhan ko, lalo na yung pag-cheesy at corny minsan.

    hay, sana like you guys, tumagal din kame :D continue ko na lang ang pagbabasa mamaya. adik na.

    ReplyDelete