Thursday, June 17, 2010

starstruck

pwede ka 'bang ma-starstruck sa isang taong hindi naman star? susko, what a lousy title i have! pasensya na, hindi pa rin kasi ako nakaka-recover sa chance encounter namin ni adonis* kaninang umaga.

ganito kasi 'yun:

tinanghali ng gising ang john stan kaya nagmamadaling gumayak para pumasok sa trabaho. kailangan kasing makaalis ako ng ortigas bago mag-alas-siyete ng umaga nang maiwasan lahat ng traffic sa kalsada. kaya hayun, from the 18th floor ng condo e super glide ako hanggang sa parking area. e ang hirap kayang mag-glide ng naka-high heels, no?

anyway, pagsakay ng kotse e start naman ako ng makina. habang nagpapainit, retouch-retouch ng konti sa salamin. syempre dapat kapag umaga, laging maganda. paalis na ko ng parking ng may biglang humarang na gray pick-up sa harapan ko. aba, mukhang namatayan pa yata ng makina! murphy's law isdatchu? wrong timing ka talaga!

nagbaba ako ng bintana para makita ng kung sino mang driver na 'to na salubong na ang kilay ko. naman, nagmamadali nga kasi e. ba-biyahe pa ko ng isang oras paakyat ng bundok. pero susko, biglang nagliwanag ang mundo ng magbaba rin ng bintana ang mamang driver. kahiya, tumulo yata ang laway ko. grabeeeeeh, ang gwapo!

at hindi pa nakuntento si adonis. napansin kong yumuko sya sandali at umangat naman ang hood ng kanyang pick-up. after that, bumaba na siya ng sasakyan. susko, 'teh, to the highest level na ito! ang adonis ay nakasuot ng bonggang-bonggang white sando at manipis na jogging pants. pumutok na lahat ng pwedeng pumutok, bumukol na lahat ng pwedeng bumukol. kaloka, bortang-borta! tulo-laway to the maximum level!

at ang john stan ay natameme na lang talaga.

adonis: pasensya na pare, nagloloko e.
john stan: uh huh...


umikot siya sa harapan ng pick-up at may kinutingting na kung ano sa makina.

adonis: nagmamadali ka?
john stan: uh huh...
adonis: sorry talaga.
john stan: uh huh...


muli siyang sumakay sa pick-up at binuhay ang sasakyan.

adonis: pasensya na ulet.
john stan: uh huh...


susko, talagang speechless ang drama ko. nawala ang lahat ng diskarte sa katawan. kasi naman, aga-aga pa, hindi ako ready.

on my way to work, napapailing na lang ako at natatawa. kaloka, hindi ko man lang nakuha ang pangalan ni adonis. buti na lang, natandaan ko 'yung plate number ng pick-up niya.

hay naku, i swear, we'll be meeting again soon.



*adonis - a man of incomparable beauty in greek mythology

14 comments:

  1. "uh huh" moment pala itey. kakatuwa ka. hahaha

    napaganyan din ako one time nung may binibili akong food sa banchetto, may cutee na foreigner. may sinasabi sya. nag-nod lang ako. ang nakakatawa dun, hindi ko alam kung may tinatanong sya akin or nakikipag-rapport lang. ahihi :)

    ReplyDelete
  2. ang sarap namang buwena mano niyan sa umaga!hahaha

    ReplyDelete
  3. Wahahaha...Aabangan ko kung kelan kayo ulet mag memeet ni Adonis..:)

    ReplyDelete
  4. Is that really John Stan? Speechless? WEH.

    ReplyDelete
  5. I'm sure naramdaman mo rin ang naramdaman ko kahapon nang makita ko si borta boy kahapon sa gym. what-is-this-that-i'm-feeling moment, i bet. di ako maka pagconcentrate. LOL

    ReplyDelete
  6. Im sure heto pagkakarinig mo sa mga tanong:
    Adonis- huhubad na ba ako?
    John_stan - uh huh
    Adonis - tutuwad na ba ako?
    John_stan - uh huh

    hahaha..ang kulet!

    ReplyDelete
  7. aww sana nag pretend kang may know-how sa makina at lumabas ng kotse, para madikitan c yummy guy hehe :P

    ReplyDelete
  8. ang funny kuya. pero naman! wag sirain ang manolo blahnik stilettos! kukurutin kita! =P

    ReplyDelete
  9. nge hahahaha

    ReplyDelete
  10. malakas ang kutob ko na tuwing umaga eh dun ka na tatambay sa same spot na yun..ahhahaa...

    ReplyDelete
  11. Haha! Makalaglag panty ba? haha

    ReplyDelete