Thursday, November 11, 2010

day 3 | banchetto nights

by now, most of you must have heard about banchetto.

every friday at around 12 midnight, a part of f. ortigas road, formerly emerald avenue, is being closed to traffic and converted to a pseudo-marketplace, offering different kinds of food for the late sleepers and night workers. here, you can find almost anything you're craving for and, if you're a beki at heart, you'll sometimes get lucky and spot a few eye-candies.

as friday is our official date day, jason and i go to banchetto for midnight snack. o di ba, katakawan talaga?

it's either pasta, cake, or crepe, depende kung ano ang feel naming kainin. pero syempre, hindi mawawala sa order ang hungarian sausage at schublig! masarap kaya, lalo na kung medyo spicy.

minsan naman, kapag tinoyo kami, we buy from the "hepa" lane. ano yun? eto 'yung area na ang mga tinitinda ay barbecue, betamax, adidas, kwek-kwek at kung anu-ano pang tinuhog-tuhog. pero bihira naman. mahirap na, afraid!

of course, more than the eating part, the fun is in staying late and waiting for banchetto to open. sobrang dami kasing tao na nag-uunahan lalo na kapag breaktime sa mga call centers. at kapag maraming gwapo, it's definitely better dahil siksikan sa daan. believe it or not, may hipuang nagaganp, choz!

pero syempre, sa isang gwapo lang naman nakatutok ang mata ko. sa asawa ko lang.

iba pa rin ang tinitingnan sa tinititigan.

5 comments:

  1. Succinct, yet heartfelt. Jason's lucky to have you :)

    ReplyDelete
  2. present ako palage sa banchetto' : )
    baka mag kasalubong tayo minsan. hehe
    d' best ang crepe ng "crepeman", schublig, too!
    isama mo na ang sinasabi mong "hepa lane" esp "isaw". ansarap kumain!

    ReplyDelete
  3. The sausage with chips is the best, I think. Specially the baldey cook who owns the business. yum. hehe! And oh, the blueberry cheesecake is to die for. =)

    ReplyDelete
  4. Okay, gusto ko magbanchetto. Nainggit na ko. Never been there to eat; dinadaanan ko lang noon. :|

    ReplyDelete
  5. Ilang beses ko na naririnig ang Banchetto. Must check it out. :)

    ReplyDelete