Monday, November 8, 2010

day 6 | happy meals

oh god, drained ako today!

ume-effort pa naman ako sa aking 12-day countdown tapos halfway through it e bigla pa yata akong mahinhinto. very promising pa naman ang topic ko - food.

oo na, lately kasi e wala kaming ginawa ng asawa ko kundi kumain. kebs na sa calories. bawi na lang sa gym at exercise the following day.

among the places we've tried, i guess belonging to the most memorable were:

1. leslie's tagaytay - dahil pinagtiyagaan naming ubusin ang isang full serving ng special bulalo habang pa-sway-sway dahil sa malakas na hangin ang aming maliit na kubo.

2. old spaghetti house antipolo - dahil bumobongga kami sa pagkain ng pasta habang bumabagyo at me pa-view-view pa kunwari ng overlooking e puro ulan naman ang nakikita.

3. cafe by the ruins baguio city - dahil, for the first time, i ate like a goat dahil puro dahon, bulaklak at halaman lang ang laman ng plato ko.

and so far, ang planong dusit crossover buffet, spirals at circles ay hanggang plano pa rin because for sure, ito na ang magiging "the height" ng aming katakawan.

but admittedly, what i love most are our simple meals at home. kahit fastfood delivery pa ito, walang ka-proble-problema.

because as long as i share it with jason,

every meal is a wonder.

3 comments:

  1. Ate, please... namamatay na ko sa keso overload. OMG. I might just kill myself anytime soon. Now, it's your responsibility to tell me "it gets better". Choz.

    ReplyDelete
  2. @tristan: it gets better, mare, ahaha!

    @carrie: hayaan mo na 'teh. me kalandian ka naman dun sa blog entry ni bien.

    ReplyDelete