Sunday, February 6, 2011

drawing inspiration

after a two-month hiatus, ayun, nakatakbo rin ulet ang john stan. imagine, last official race ko e sa singapore pa last december. hongtogol na 'nun!

condura is my first race for 2011. this early, i know that i was not able to set a new personal record. kasi naman, longest run ko na 'yung 10-kilometer practice run which i did last wednesday.

ewan ko ba. para kasing nawalan ako ng gana sa pagtakbo. kanina nga, when i was running at the skyway, i was asking myself kung baket ko ba ginagawa ito.

"dahil sa boys!", maliksing sagot ng utak ko.

seriously though (susko, serious daw), gusto ko lang naman makapag-full marathon kahit isang beses lang. after that, magreretiro na ko sa running. kaso ayun nga, nakatamaran ko na lang bigla.

and the reason why i did condura e dahil nakakahinayang ang registration fee na higit one kyaw!

but i must admit, na-miss ko rin pala ang running kahit konte. kanina nga, kahit tapos na ko, i lingered for a while near the finish line to watch the runners cross. nakakatuwa lalo na yung mga full-marathoners na medyo may edad na.

na-inspire naman daw tuloy ako.

kaya sabi ko sa sarili ko, i will pursue this hobby. kahit isang 42-kilometer lang, masaya na ko. kahit abutin pa ng 6-hours. ang cute kasi ng medal, nakakabali ng leeg sa laki. echos.

pero syempre hindi lang 'yan ang nagpa-inspire sa akin.

merong isang full-marathoner, hubad baro ang drama. pagliko pa lang niya on his way to the finish line, kita na ang abs na nagmumura. hot hunk!

kaso habang papalapit, parang nag-iiba. ayan na, ayan na, hot hunky hipon pala! susko, bad gurl talaga ko.

may isa pa, si gwapong bonnet guy. he ran 21k at nagpapa-cute na sa madlang people 'nung start pa lang ng race. e pinulikat yata kaya last kilometer nya e puro walking na lang. parang gusto ko tuloy hablutin ang race bib nya at sabihing,

"ako na ang tatapos ng race mo."

honglondi!

ay, salubong na ang kilay ng jowa ko, tama na 'to.

awabu jason!

- Posted using BlogPress from my iPad

6 comments:

  1. Ang ganda ng view sa taas ng skyway no? Lol

    ReplyDelete
  2. coño: tamaaaaaaaah!

    kerengkeng much lang noh

    lolz

    ReplyDelete
  3. hahaha dahil pala sa boys ha!

    ang hirap nyan,di ko kaya sumali sa mga ganyan!

    ReplyDelete
  4. @imsonotconio: i know, right? ahaha!

    @mugen: depende sa view, hahaha! madaming gwapo.

    @ternie: weh? i'm dalisay, busilak and mayumi kaya.

    @maccallister: once you see them boys running, kakayanin mo, hahaha!

    ReplyDelete