Friday, July 27, 2012

Paalam

"Pwede ba kitang mayakap?", tanong mo na may halong alinlangan.

Halos madurog ang puso ko ng yakapin kita at magsimula kang humagulgol. Ilang sandali pa ay hindi ko na rin napigilan ang masaganang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.

At doon sa maliit na espasyong nagkukubli ng ating mga kahinaan, ibinuhos natin ang nilalaman ng ating mga damdamin. Walang mga salita pero sapat na ang katahimikan para maunawaan natin ang isa't isa.

Mahal na mahal kita pero higit pa rito ang sakit na idinulot mo. Mapapatawad kita pero ang lahat ng bagay ay magpapaalala sa akin ng tatlong taong puno ng kasinungalingan. Hindi madaling kalimutan ang nakaraan pero kakayanin ko, para sa ikatatahimik nating dalawa.

Jason, marahil sa mga oras na 'to ay binabasa mo ang mensahe kong ito. Nawa'y makita mo ang kaligayahang hindi ko naibigay sa 'yo.

7 comments:

  1. John Stan, there are no words to comfort you right now.

    You gave it your best. You have to give credit to yourself.

    ReplyDelete
  2. OH shet! hugs for you sir :(

    ReplyDelete
  3. I was listening to these line from a song earlier:

    "We thought we'd nothing more to lose
    We'd tear our hearts with jagged truths
    And everything we'd hung to for so long
    Just slipped away"

    and sometimes I wonder at the ability of the truth to change everything; the life you knew and the life you thought you would have.

    I am sorry John, I feel for you. I do. Alam mo yan. Some of us have passed the road you're traveling right now. It ain't pretty. But it will teach you things you never thought you'd learn.

    K

    ReplyDelete